NAGTUNGO sa mga simba-han sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga debotong Katoliko para ipagdiwang ang tradis-yonal na Palm Sunday, hudyat sa pagsisimula ng Semana Santa.
Kanya-kanyang bitbit ang mga deboto ng kanilang mga palaspas na binendisyonan sa Palm Sunday masses.
Ang nasabing religious tradition ay mula sa Biblical account na naganap ang “triumphant entry” ni Jesus sa Jerusalem at sinalubong siya ng mga Hudyo sa pama-magitan ng pagwawaygayway ng kanilang palaspas mula sa dahon ng puno ng Palma.
Ang pagtu-ngo ni Jesus sa Jerusalem ang inagurasyon ng kanyang “Passion, Death and Resurrection.”
Sa kabilang dako, sa Metro Manila,maaga pa ay buhos na ang mga Katoliko sa iba’t ibang simbahan.