Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Kelot kritikal sa tarak ng 4 suspek (Sa Manila North Cemetery)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan tarakan sa leeg at sa ibang bahagi ng katawan ng apat lalaki sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tondo ang biktimang kinilalang si Alvin Evangelista.

Habang kinilala ang isa sa mga suspek na si alyas Baloktok, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang, at notoryus na siga sa lugar.

Sa ulat kay Manila Police District(MPD) Station 3 commander,  Supt. Santiago Pascual III, dakong 10:30 pm kamakalawa nang maganap ang insidente sa 16th Street malapit sa kanto ng 2nd Street sa naturang lugar.

Napag-alaman, makaraan bumili ng gas ng biktima hinarang siya ng mga suspek at pinagtulungan saksakin saka mabilis na tumakas.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo nang pananaksak at pagkakakilanlan ng mga suspek. (BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …