DALAWANG lindol, kabilang ang may lakas na magnitude 5.9, ang yumanig sa Luzon, minuto lamang ang pagitan dakong hapon nitong Sabado.
Ayon sa ulat ng Uni-ted States Geological Survey, ang unang lindol, may magnitude 5.7 at lalim na 40.4 kilometers, ay tumama dakong 3:08 p.m. sa east-northeast ng Brgy. Bagalangit Mabini, Batangas.
Ang epicenter ng pa-ngalawang lindol (magnitude 5.9) ay natukoy sa 42.7 km lalim at isang kilometro sa south-southwest ng Brgy. Talaga saTanauan City, Batangas, tumama isang minuto makaraan ang nauna, dakong 3:09 p.m.
Samantala, habang isinusulat ang balitang ito, isang lindol pa lamang ang na-detect ng Philippine Institute of Volcano-logy and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ang magnitude 5.6 quake ay naganap dakong 3:07 pm sa Mabini, at tectonic ang origin.
Ayon sa ahensiya, ang lindol ay malakas na naramdaman sa Intensity 7 sa Mabini, Batangas.
Ang Intensity 7 ay itinuturing sa Phivolcs’ Earthquake Intensity Scale bilang “destructive.”
Samantala, naramdaman ang Intensity 6 sa Calatagan, Nasugbu at Tingloy, Batangas.
Intensity 5 sa Batangas City, Sto. Tomas at Lemery Batangas; at Tagaytay City.
Habang Intensity 4 sa Dasmariñas, Cavite; Lucena City; at Pateros City.
Ramdam ang Intensity 3 sa Makati City; Pasay City; Quezon City; Muntinlupa City; Malabon City; Mandaluyong City; at Bacoor, Cavite.
Habang Intensity 2 sa Daet, Camarines Sur.
Hindi pa masabi kung ang dalawang lindol ay aftershocks ng magnitude 5.5 quake na tumama sa Tingloy, Batangas nitong Martes ng gabi.
KLASE SA ILANG
UNIBERSIDAD
KINANSELA
NAGKANSELA ng klase ilang mga unibersidad at opisina sa Metro Manila dahil sa muling paglindol sa ilang lugar sa bansa.
Maagap na nagdeklara ng kanselasyon ng klase sa ilang unibersidad na gaya ng Far Eastern University(FEU), Dela Salle at University of Santo Thomas (UST), sa kanilang iba’t ibang campuses sa bansa upang maiwasan ang ano mang panganib sa aftershocks.
Samantala, naglabasan sa kani-kanilang mga opisina ang mga empleyado ng business district ng Makati at BGC.
Gayondin ang mga tenant at empleyado sa dekada nang gusali na National Press Club, makaraan ang dalawang magkasunod na pagya-nig na naranasan rin sa Intramuros, Maynila.
(BRIAN GEM BILASANO)
Kasunod ng lindol
PUBLIKO MAGING KALMADO
PERO ALERTO — PALASYO
NANAWAGAN ang Malacañang sa publiko, na manatiling kalmado ngunit alerto, kasunod nang naitalang paglindol kahapon ng hapon, sa Batangas, Metro Manila at karatig-lalawigan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ina-assess na ng disaster officials ang sitwas-yon, at patuloy sa pagbibigay ng updates sa publiko.
Ayon kay Abella, hi-nihikayat nila ang lahat na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi naberipikang impormasyong magreresulta lamang nang pagkaalarma o pag-panic ng mamamayan.
“We ask our people to stay calm and yet remain vigilant and alert. Let us not forward information from unverified sources that may cause undue alarm. Disaster officials are now assessing the situation and will be giving updates to the public as more information about the Saturday earthquake becomes available,” ani Abella.
HATAW News Team