Tuesday , April 15 2025

Pangamba sa terorismo pinawi ng AFP (2 ISIS bombers matapos maaresto)

INIHARAP sa media nina Department of Justice Secretary Vitallano Aguirre II, at National Bureau Investigation Director Dante Gierran, ang mag-asawang hinihinalang mga miyembro ng teroristang grupong ISIS, na sina Rafah Zina Dhafiri, at Hussein Azo Aldafiri, makaraan madakip ng mga operatiba ng NBI, Bureau of Immigration at PNP sa BGC,Taguig. (BONG SON)
INIHARAP sa media nina Department of Justice Secretary Vitallano Aguirre II, at National Bureau Investigation Director Dante Gierran, ang mag-asawang hinihinalang mga miyembro ng teroristang grupong ISIS, na sina Rafah Zina Dhafiri, at Hussein Azo Aldafiri, makaraan madakip ng mga operatiba ng NBI, Bureau of Immigration at PNP sa BGC,Taguig. (BONG SON)

WALANG dapat ipangamba ang publiko sa seguridad kasunod nang pagkakaaresto sa dalawang Syrian bombers, sinasabing mga miyembro ng teroristang grupong ISIS.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla, ginagawa ng militar at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang lahat para maiwasan ang ano mang terroristic activities sa bansa.

Sinabi ni Padilla, ang pagkakaaresto sa dalawang banyaga ay patunay sa kahandaan ng militar na tumugon sa ano mang banta.

Giit niya, para sa militar ay hindi ang banta ang kritikal bagkus ang kritikal dito ay abilidad ng militar na makapagresponde sa banta.

Tiniyak ng AFP, kaya nilang protektahan ang publiko laban sa ano mang mga banta.

Habang tumanggi ang militar na magbigay ng detalye kaugnay sa pagkakaaresto sa dalawang Syrian bombers.

“Based on our assessment we are leaning forward and we are proactively engaged with all these threats, once they become active, we can confidently say that we can protect you, our people, against these threats,” pahayag ni Padilla.

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *