IGINIIT ni Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, ang divorce bill ay isang legal remedy sa irreconcilable differences ng mga mag-asawa at upang maiwasan ang extra marital affairs ng isang babae o lalaki.
Ayon kay De Jesus, hindi isang simpleng pagtatanggal ng bisa ng kontrata ang mangyayari sa diborsiyo, kundi ito ay pagpapawalang-bisa sa kasal na dumaan sa korte, at pinagtibay ng mga batayan na hindi na maaari pang magsama ang mga mag-asawa, dahil posibleng wala na ang pagmamahalan, at paggalang sa isa’t isa.
Ayon sa naturang opisyal, kung may karapatan ang isang tao na pumasok sa isang kasal at nakita niyang unti-unti nang nawawala ang pagmamahal, at may nangyayari nang pag-abuso, may karapatan din ang isang tao na lumabas sa relasyong ito, na kailangan irespeto ng tao at ng batas.
Ang naturang panukala ay noong Agosto pa ng nakaraang taon nire-file ng naturang partido, ngunit nabuhay lamang ngayon dahil sa lumutang na extra marital affairs ni House Speaker Pantaleon Alvarez.