Sunday , April 13 2025

Alternatibo sa 5-6 itinoka sa DTI

HINIHINTAY  ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang implementing guidelines upang maipatupad ang programang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso o P3, may layuning magpahiram nang sapat na pondo para sa pagnenegosyo ng maliliit na negosyante sa bansa.

Ang programa ay kasunod ng direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte, na masugpo ang pagpapautang ng Indian nationals o Bombay ng 5-6 sa mga Filipino.

Ayon kay DTI-Capiz provincial director Ms. Ermelinda Pollentes, target na benepisyaryo ng P3 ang market vendors at agribusiness owners, kabilang sa micro, small and medium enterprises o MSMEs.

Sa pamamagitan ng programa, makahihiram ang maliliit na negosyante ng halaga sa minimum na P5,000 hanggang P300,000 at may monthly interest rate lamang na 2.5 percent.

Ito ay higit na mababa kung ikokompara sa halos 20 porsiyentong interest rate na sinisingil araw-araw o linggo-linggo ng mga nagpapautang ng 5-6.

Inaasahang maipapatupad ang programa ngayong buwan, sa ilalim ng Small Business Corporation na attached agency ng DTI, sa tulong ng ilang micro-finance institutions, ang pagpapahiram ng pera sa maliliit na negosyante.

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *