Monday , December 23 2024
Duterte money ABS CBN

ABS-CBN inonse si Duterte (Paid ads ‘di inilabas)

INONSE ng media outfit ABS-CBN si Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng 2016 presidential election campaign.

Imbes isahimpapawid ang political advertisement ni noo’y presidential candidate Duterte, tinanggap lang ng ABS-CBN ang bayad niya ngunit hindi ini-ere ang kanyang anunsiyo at hanggang ngayo’y hindi pa ibinabalik ang pera.

Ito ang himutok ni Pangulong Duterte sa ABS-CBN network na pagmamay-ari ng pamilya Lopez na aniya’y oligarch.

“I have said a mouthful against ABS-CBN sabi ko abangan n’yo ako sa labas putang-inang mga oligarch ‘yan, alam n’yo ba ‘yang ABS-CBN nagbayad ako kasi nagkapera ako no’ng last days na lumakas na ang survey I was hitting 32,” aniya sa ambush interview sa Western Command.

“Everybody was giving me money one of those who offered money si Lucio Tan, I did not accept it, bumili ako propaganda tayo ‘yung putang inang ABS-CBN na ‘yan tinanggap nila pera ko, they never showed mine. Hanggang ngayon wala namang  offer to reimburse or return the money ganoon kawalanghiya ‘yung mga putang inang oligarchs na ‘yan,” gigil na wika ng Pangulo.

Kuwento ng Pangulo, imbes iere ang binayaran niyang political ads, ang black propaganda laban sa kanya ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ipinalabas ng ABS-CBN gamit ang mga bata kaya naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang hukuman laban dito.

“May TRO sinabi ng court do not show it ‘yung mga batang ginamit ni Trillanes which is really against the law ‘yung ginamit nila mga bata ‘wag ‘yan kaso you know that is child abuse that is why a TRO only ABS-CBN ang hindi naniwala ok lang ‘yan. Tinanggap ‘yung pera ko ‘di naman pinalabas na short propaganda ko nabili baka makatulong,” anang Pangulo.

Matatandaan, hiniling ni Sen. Alan Peter Cayetano ang TRO matapos iere ng ABS-CBN ang isang bayad  na anti-Duterte advertisement ni Trillanes na nagpakita ng pagmumura nito pati ang kontrobersiyal na rape joke na may kasamang mga bata.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *