LAOAG CITY – Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pag-ambush sa grupo ni Vice Mayor Jessie Ermitanio sa boundary ng Brgy. Ragas at Brgy. Dacquioag, sa bayan ng Marcos, Ilocos Norte, kamakalawa.
Ito ay makaraan paulanan ng bala ang sasak-yan ni Ermitanio kasama ang driver, security, at isang empleyado ng munisipyo sa nasabing ba-yan.
Ayon kay S/Insp. Lauro Milan, hepe ng PNP Marcos, patay na nang idating sa ospital ang driver ng bise alkalde na si Jesrel Rumbaoa.
Samantala, patuloy na ginagamot ang opis-yal at dalawa pang kasamahan na sina Edralyn Arellano, at Ricky Florendo.
Napag-alaman, inabangan ng mga suspek ang sasakyan ng bise alkalde sa nasabing lugar, at pinagbabaril.
HATAW News Team