Saturday , November 16 2024

Remnant ni Kiko sa Food Security Council sinibak (Sa isyu ng katiwalian)

DUMALO si Pangulong Rodrigo Duterte sa Grand Harvest Festival ng She Leng Agritech Corporation sa Nmapmci Compound, sa Brgy. Tabacao, Talavera, Nueva Ecija. (JACK BURGOS)
DUMALO si Pangulong Rodrigo Duterte sa Grand Harvest Festival ng She Leng Agritech Corporation sa Nmapmci Compound, sa Brgy. Tabacao, Talavera, Nueva Ecija. (JACK BURGOS)

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naiwang tauhan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa Food Security Council dahil sa isyu ng katiwalian.

Pangalawa si Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez ng Office of the Cabinet Secretary at remnant ni Pangilinan sa Food Security Council, sa tinanggal ni Pangulong Duterte sa kanyang administrasyon sa nakalipas na dalawang araw.

Bago magsimula ang cabinet meeting sa Malacañang noong Lunes ng gabi, pinatalsik ni Duterte sa kanyang gabinete si Interior and Local Government Secretary Ismael ‘Mike’ Sueno.

Tatlo pa aniyang undersecretary ang sisibakin niya bago matapos ang linggo.

“May isa pa, may dalawa pang undersecretary. So bale at the end of the day, mamaya meron ng mga lima in a week,” anang Pangulo.

Ani Duterte, nainis siya sa pag-apela ni Valdez na baligtarin ang naunang desisyon na huwag magbigay ng importation permit sa hindi tinukoy na bansa o korporasyon.

“I was appalled, may isang undersecretary, ni-review niya lang ‘yung decision ni Jason Aquino na dinala ‘yung importation. Eh istorya-istorya na gustong magbigay. And it was appealed doon mismo sa Malacañan. So part of the Office of the President ‘yan. May isang undersecretary na babae, hold over ‘yan, pagusapan namin sa chopper kanina. Sabi ko, “Anong mukha ko na iharap sa mga farmers?” na why would we allow importation to compete with the local product? Hanggang ngayon, hindi ko mabasa anong ginawa nilang rason. Of course hindi natuloy kasi binara ko. Subsequently, sabi ko stop,” anang Pangulo sa Grand Harvest Festival ng She Leng Agritech Corporation sa Nmapmci Compound, Brgy. Tabacao, Talavera, Nueva Ecija.

Binigyan diin ng Pangulo, hindi siya magdadalawang isip na alisin sa puwesto ang sino mang opisyal ng gobyerno, kahit kaibigan pa niya, basta nasangkot sa usapin ng korupsiyon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *