NASIBAK sa puwesto ang tatlong pulis mula sa Police Regional Office 7 (PRO 7) dahil sa pagkakasangkot ng sa ilegal na sugal sa rehiyon.
Kinilala ang mga nasibak sa puwesto na sina P/Supt. Joel Quintero, P/Supt. Nicomedes Olaivar, Jr., at SPO4 Clarito Aparicio, na kinilala ng Authorized Agent Corporation (AAC) na nagpapatakbo ng Small Town Lottery ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa lugar na nabanggit.
Agad ipinaabot ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz kay PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang naturang ulat tungkol sa ilegal na sugal sa Rehiyon VII.
Ang PCSO at PNP ay patuloy na nagtutulungan upang masugpo ang mga ilegal na sugal sa bansa, alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Inaasahan na kikita ang gobyerno ng P27 bilyon sa PCSO mula sa STL ngayong taon na makadaragdag sa pondo ng PCSO para sa Serbisyo, Trabaho at Laro sa buong bansa.
Ang 30% ng pondong malilikom mula sa STL ay gagamitin para sa mga programa at proyektong pangkawanggawa at medikal gaya ng Individual Medical Assistance Program (IMAP) na mahigit 300,000 Filipino ang naserbisyohan noong 2016.