Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rape

Dalagitang pipi’t bingi niluray ng sekyu

SWAK sa kulungan ang isang security guard makaraan halayin ang isang 15-anyos dalagitang pipi’t bingi sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police chief, Senior Supt. Ronaldo Mendoza, ang suspek na si Ricardo Dugan, Jr., 22, tubong San Jose, Camarines Sur, at pansamantalang nanunuluyan sa Romano Compound, Service Road, Brgy. Parada, ng nasa-bing lungsod.

Sa imbestigasyon ng Valenzuela Police Wo-men and Children’s Protection Desk (WCPD), dakong 7:30 pm nang puntahan ng ina ang biktimang si “Diana” sa isang kainan sa loob ng Romano Compound, at nakita roon ang anak kasama si Dugan.

Habang naglalakad ang mag-ina pauwi nang mawalan ng malay ang biktima kaya mabilis na dinala ng ina ang anak sa tulong ni Dugan, sa Valenzuela Medical Center (VMC) para maobserbahan.

Nang magkamalay, ipinagtapat ng biktima sa kanyang ina sa pama-magitan ng mga pagsenyas ang ginawang panghahalay sa kanya ni Du-gan.

Agad humingi ng tulong ang ina sa mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 11, na nagresulta sa pagkakaa-resto sa suspek.

Kasong rape in relation to R.A. 7610 (Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act) ang isinampa laban sa suspek sa pisklaya ng Valenzuela City.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …