Saturday , November 16 2024

Agaw-bahay ng kadamay tagumpay (Digong bumigay)

040517_FRONT
PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo, ipaubaya na lang sa mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), ang mga inagaw sa kanilang pabahay ng gobyerno.

“Meron lang po akong pakiusap. This ruckus in Bulacan e parang inagaw ng mga kapwa nating Fi-lipino na mahirap rin. I will look into the matter seriously and I will ask you soldiers and the policemen, bitawan na lang ninyo ‘yan, ibigay na lang natin sa kanila tutal mahirap sila,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa 120th founding anniversary ng Philippine Army, sa Fort Bonifacio kahapon.

Kapalit nang pagpaparaya aniya ng mga sundalo’t pulis sa Kadamay, ipagagawa sila ng maganda at maayos na pabahay na inaasahang matatapos sa Disyembre.

“But I promise you, I will look for another land nearby or adjacent or maybe contiguous to that area there and gagawa ako nang mas maganda. May tubig na at may electric na pagpasok ninyo,” anang Pangulo.

Ang kasalanan lang aniya ng mga taga-Kadamay ay mahirap sila kaya hindi na dapat pa-tulan ng mga sundalo’t pulis para maiwasan ang gulo.

“Huwag na lang natin guluhin ‘yang mga tao riyan kasi lumalaban e. And their only sin is just really mahirap rin sila kagaya natin,” dagdag ng Pangulo.

Katuwiran ng Punong Ehekutibo, walang kuwenta ang mga bahay na inagaw ng Kadamay dahil itinayo ng nakaraang gobyerno, walang tubig at koryente.

 PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo, na ipaubaya na lamang sa mga miyembro ng Kadamay ang inokupahan nilang pabahay sa Bulacan, sa pagdalo ng Punong Ehekutibo sa ika-20 anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon. (JACK BURGOS)
PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo, na ipaubaya na lamang sa mga miyembro ng Kadamay ang inokupahan nilang pabahay sa Bulacan, sa pagdalo ng Punong Ehekutibo sa ika-20 anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon. (JACK BURGOS)

“Maraming dynamics diyan. Walang tubig, walang ano, and kulang and hindi maganda ang pag-kagawa. Those were not during my times but I have asked the National Housing Authority to look for a suitable land at papalitan ko na lang ‘yan on equal numbers,” aniya.

Babala ng Pangulo sa mga taga-Kadamay, huwag prehuwisyohin ang mga sundalo’t pulis kung ayaw nilang palayasin sila sa mga inagaw na bahay.

“Iyong mga Kadamay nandiyan, huwag ninyong galawin ang mga sundalo pati pulis. Kasi ‘pag hindi, tuluyan paa-lisin ko kayong lahat. Do not create trouble, avoid chaos, and we will try to solve what ails this country,” giit ng Pangulo.

Inatasan ng Punong Ehekutibo ang Government Service Insurance System (GSIS) na pag-aralan ang posibilidad na mapagkalooban ng housing loan ang sundalo base sa kakayahan magbayad.

“I have directed the GSIS to study the possibility of having a housing loan program that will complement the soldier’s ability to pay. I believe that soldiers will be more confident to perform their mandate knowing that their loved ones are secure and well-sheltered,” sabi ng Pangulo.

Nanawagan si Pangulong Duterte sa mga sundalo na ipagpatuloy ang mahalagang papel sa drug war ng kanyang administrasyon.

Kaugnay nito, tiniyak ni Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao, na hindi nahaluan ng professional squatters ang Kadamay.

Nakahanda aniyang makipagtulungan ang Kadamay at Anakpawis sa National Housing Authority (NHA) sa isang joint validation sa lista-han ng mga napagkalooban ng pabahay upang malaman kung may nakalusot na professional squatter sa kanilang hanay.

Ang tinaguriang professional squatter ay mga informal settler na ginagawang hanapbuhay ang pagbebenta sa ibinigay na pabahay sa kanila ng gobyerno sa tuwing idine-demolish ang kanilang pamayanan.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *