CAUAYAN CITY – Nagdulot nang matin-ding takot at trauma sa limang bata ang pagtutok ng baril at pagkulong sa kanila sa isang kuwarto, ng armadong mga lalaki na nanloob sa bahay ng mag-asawang negosyante sa Sta. Felomena, San Mariano, Isabela, kamakalawa.
Sa imbestigasyon ng San Mariano Police Station, pumasok ang apat armadong lalaki sa bahay ng mag-asawang Ricardo at Angelina Mingming, residente sa nasabing lugar, sa pamamagitan nang pagdaan sa pintuan sa kusina ng bahay.
Iginapos ng armadong mga lalaki ang mag-asawang Mingming at ikinulong sila kasama ang limang bata, na may gulang na 7-anyos hanggang 12-anyos, bago tumakas sa hindi nabatid na direksiyon.