Sunday , December 22 2024

Layas sa public plaza (Burikak, holdaper, adik, illegal terminal) — Duterte

040417_FRONT

PARA sa mga nilalang na may paggalang sa batas ang mga pampublikong liwasan o plaza kaya’t bilang na ang araw ng mga burikak, drug addicts, holdaper, snatcher  at protector ng illegal terminal na umiistambay sa nasabing pampublikong lugar.

Ito ang sinabi ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga batang may edad 4-anyos pa-taas na mga miyembro ng Kids’ at Boys Scout of the Philippines sa Palasyo kahapon.

“Iyang daan, ‘yang publiko, ‘yang plaza, para lang ‘yan sa matutuwid na tao at gumagalang sa batas. Hindi ‘yan puwedeng pag-istamba-yan ng mga kriminal where you pry against the civilians there na tinatakot ninyo, hino-hold-up ninyo,” anang Pangulo.

Naging paboritong tambayan ng mga bugaw, hostess, holdaper, addict at ginagawa pang illegal terminal ang mga plaza na dapat ay lunsaran ng matitinong aktibidad ng pamayanan.

Aniya, paiigtingin ng pulisya ang kampanya kontra droga at inatasan niya ang mga pulis na magpatrolya at linisin ang mga pampublikong lugar sa mga kriminal.

“Kung gusto ninyong mabuhay pa nang mahaba-haba, huwag kayong magbiktima riyan. Nga-yon kasi i-revive ko na naman ‘yung away sa droga, I will ask the police to make the rounds again,” anang Pangulo.

Nagbanta ang Pangulo sa mga drug addict na iwasan ang paglabas sa kalye kung ayaw nilang maging pataba sa mga isda sa Manila Bay.

“Kaya kayong mga… Let me just issue another warning to — kayong mga drug addict, tutal na-identified na rin kayo, avoid the streets, magkulong kayo sa bahay ninyo kasi ‘pag nadampot ko kayo, ipatapon ko kaya diyan sa Manila Bay. Gawin ko kayong fertilizer sa isda. Avoid the streets because people are afraid if you congregate in corners, especially ‘yung mga estasyon-estasyon diyan sa Ermita, pati… Get out,” aniya.

Muling sinisi ni Pa-ngulong Duterte ang presidente ng Liberal Party na si Sen. Francis Pangilinan, may-akda ng Republic Act (RA) 9344 o ang Juvenile Justice Welfare Act of 2006, na nag-aabsuwelto sa pananagutang kriminal sa mga may edad na 15-anyos pababa.

Ang batas aniya ni Pangilinan ang naging dahilan sa paglobo ng krimen sa bansa dahil hindi naparurusahan ang mga batang kriminal, na tumatanda na walang takot sa batas.

“Ang ginawa ni Pa-ngilinan, I’m so sad over this sordid history of our country, ipinasa niya ‘yung Juvenile Offenders Act at ibinaba niya ang edad sa 15. Pagdating mo ng 15, maski anong gawin mo, patayin mo ‘yung, mag-patay ka riyan, maggalaw ka ng mga babae, lahat, whatever the crime, robbery with homicide or robbery with rape with homicide, kung anong kasalanan mo, pagdating ng nanay mo, ibigay ka balik sa kanya. Isang araw lang,” aniya.

Gusto ni Duterte na kopyahin ang batas sa ibang bansa na ang mga batang nagkasala ay dinadala sa correctional facility at sinesermonan sa pagsunod sa batas at pagmamahal sa bayan.

“In accordance to the law of the those countries, from which he copied the legislation, they are sent to a correctional facility or halfway house.There, they are lectured on responsibility sa gobyerno mo. Then the sense of accountability sa ginawa mong masama. Kaya ikukulong ka roon at lektyuran ka. Hindi kulungan ‘yan. Correctional. I-correct ka lang. Correctional facility,” dagdag niya.

Binigyan-diin niya, hindi kailangan magdeklara ng batas militar para ipatupad ang batas, gagawin lang ng Pangulo ang kanyang responsibi-lidad na pangalagaan at bigyan proteksiyon ang mga Filipino.

“Ako sabi ko hindi ko na kailangan ng martial law. Gawain ko lang ang dapat kong gawain: to preserve and protect the Filipino, period,” aniya.

 

ni ROSE NOVENARIO

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *