Saturday , November 16 2024

VACC kay Duterte: Palyadong deal ng Tadeco-BuCor rebyuhin, ayusin

040317_FRONT
HINIKAYAT ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang administrasyong Duterte na rebisahin at pag-aralan ang nilalaman ng joint venture agreement sa pagitan ng  banana exporter na Tagum Agricultural Development Co. Inc. (Tadeco) at Bureau of Corrections (Bucor) sa  long-term lease sa 5,308- ektaryang ari-arian sa Davao Penal Colony.

Sinabi ni VACC founding chair Dante Jimenez na luging-lugi ang gobyerno sa kasunduan sa pagpapaupa ng lupain at sa hatian ng tubo na nilagdaan noong May 2003.

Sa ilalim ng  25-year joint venture agreement na magtatapos sa 2028, nangako ang Tadeco na magbabayad sa BuCor ng P26.541 milyon bawat taon o upa na umaabot lamang sa P5,000 bawat ektarya.

Itinakda ng Tadeco ang parte ng gobyerno mula sa kanilang banana export sa presyong P1.3258 bawat kahon o  0.22 percent sa bawat kahon ng saging na may ave-rage price na P600 per box. Sa tinatayang taunang benta na 30 million boxes per year, makakukuha ang gobyerno ng P40.584 milyon sa bawat taon kompara sa taunang kita ng  Tadeco na P18 bilyon.

Sinabi ni Jimenez, malinaw na ang kasunduan ay pabor sa Tadeco at masyado nitong sinasamantala ang naturang Davao Penal Colony pro-perty mula pa noong 1969.

Aniya, dapat ay nasa P1 bilyon ang nakukuhang renta ng gobyerno at P900 milyon ang kabahagi nito sa tubo kada taon mula sa Tadeco.

Sinabi ni Jimenez, sa mga kaparehong deve-loped agricultural lands ay makakukuha ng P200,000 per hectare, kaya sa kaso ng Tadeco, dapat umanong binabayaran nito ang gobyerno ng P1.061 bilyon bawat taon.

Idinagdag niya na karapatan ng gobyerno na magkaroon ng mas malaking kabahagi sa kinikita ng Tadeco. Naniniwala rin si Jimenez na ang parehas na parte ng gobyerno ay dapat nasa 5% o P900 milyon bawat taon batay sa tinatayang annual sales ng Tadeco na P18 bilyon.

Sinabi ni Jimenez, matagal nang nakabawi ang Tadeco sa naging investments nito sa natu-rang banana plantation matapos ang halos limang dekada ng kanilang ope-rasyon kaya makataru-ngan na bigyan ng tamang kabahagi o parte ang gob-yerno.

Ayon kay Jimenez, sinusuportahan niya ang isinulong ni Speaker Pantaleon Alvarez na reklamo kahit kaalyado pa sa politika o personal na kaibigan ang nakabangga. Dapat umanong unahin ang interes ng gobyerno bago ang personal na interes. Kailangan lamang, aniya, na seryosong maisulong ang adbokasiya ni Pangulong Duterte laban sa iba’t ibang uri ng korupsiyon.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *