LABO-LABO ang mga opisyal sa administras-yong Duterte dahil sa namumuong gusot sa hanay nila dahil sa iba’t ibang isyu.
Kabilang dito sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez at Finance Secretary Sonny Dominguez na nagkakainitan dahil sa umano’y pakikialam ng huli sa DENR.
Kaya naman nagbabala na si Secretary Lopez kay Secretary Dominguez sa ginagawang panghihimasok sa DENR.
“You’re not my boss, only the President can tell me what to do,” giit ni Lopez sa kasamahan sa gabinete na si Dominguez.
Si Dominguez ay pinaratangan ni Lopez ng pang-aagaw ng kapangyarihan sa DENR.
Sa panayam nitong Lunes sa ANC, iginiit ni Lopez na si Dominguez ang nagtulak sa pagpapalawig sa Mining Industry Coordinating Council (MICC) noong Pebrero para pabagsakin ang kanyang desisyong ipasara ang 23 minahan at suspendihin ang limang iba pang mining companies.
Iginiit ni Lopez na si Dominguez, limang taong naging top mining executive ay hindi sumunod sa due process sa usapin ng pagpapasara ng mina-han.
“When Sonny Dominguez said that he will spend P50 million to review mining operations, it seemed to me like spending money to do something which is similar to a usurpation of powers. You’re not supposed to do that,” ayon kay Lopez.
Para sa kalihim ng DENR ang mining audit ay tapos na kaya off-li-mits na ito sa MICC.
“The audit is finished, I’ve already made my decision. I think this is Sonny’s idea, he wanted to do something more, what-ever. But if you’re not going to evaluate from the lens of social justice, I’m not there,” resbak ni Lopez.
Sinabi ng DENR chief, sa kauna-unahang MICC meeting ay sinabi niyang wala siyang kamuwang-muwang nang pumirma sa gagawing review sa mining operation kaya basta na lamang umano siya pumirma sa MICC na nagtatalaga sa kanya at kay Dominguez na mag-co-chair na tila baga ipa-rerebyu ang kanyang naging desisyon na ipasara ang mga minahan
“There’s no compromise. There was just some confusion when I naively signed this thing. But I am not a lawyer and after that, I found out that the only entity which is mandated to review mining operation is actually DENR,” paliwanag ni Lopez.
Ayon kay Lopez ang tanging papel ng MICC ay “purely recommendatory” kaya dapat nitong irespeto ang regulatory powers ng DENR.
Nakatakdang dumalo si Lopez sa susunod na Cabinet meeting sa 3 Abril.
Nagpahayag ng pasasalamat si Lopez kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na suporta sa kanya sa kanyang matigas na paninindigan sa pagpapasara sa mga minahan sa kabila ng matinding lobby na nangyari sa Commission on Appointments (CA) kontra sa kanyang appointment.
Matatandaang humantong sa demandahan ang sigalot na namama-gitan sa dalawang dikit sa Pangulo na sina House Speaker Pantaleon Alvarez at number 1 donor sa nakaraang kampanya na si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo na nauwi sa paghahain ng kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices ng una sa huli.