IBINUKING ni Cristine Reyes ang asawang si Ali Khatibi kung gaano ito kagastos sa pagbili ng mga laruan.
Sa guesting ng mag-asawa para sa summer episode ng Magandang Buhay, nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, naikuwento ng dalawa ang ukol sa mga natutuhan nila ngayong nagsasama na sila.
Pagbubuking ni Ali, medyo magastos si Cristine. Na kaagad namang sinalag ng aktres.
Ani Cristine, hindi siya bumibili ng mga mamahaling bag at sapatos. Gumagastos lamang siya sa mga out of town or out of the country trips.
Sinabi pa ni Cristine na gumagastos ng hanggang 500,000-800,000 si Ali sa mga laruan nito.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio