Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, top choice bilang Darna; Ogie Diaz, puring-puri ang alaga

HANGGANG ngayo’y palaisipan pa kung sino ang ipapalit ng ABS-CBN kay Angel Locsin para gumanap na Darna.

Maraming pangalan ng mga artista ang lumalabas, pero sinasabing top choice si Liza Soberano.

Kaya naman nang makausap namin ang manager ng dalaga na si Ogie Diaz, ay tinanong namin ito kung totoo.

Ayon kay Ogie, alam niyang kasama ang kanyang alagang si Liza sa mga pinagpipilian, pero hindi raw siya ang tamang tao para mag-announce kung sino ang napili ng management (ABS-CBN).

Pero gayun na lamang ang pasalamat niya sa supporters ni Liza dahil simula pa lang na pumutok na hindi na puwedeng gawin ni Angel ang Darna, ay agad na nai-suggest ang pangalan ni Liza.

At dahil sexy ang costume ni Darna, tinanong si Ogie kung okey lang iyon sa kanya.

“Naku, iba na ang technology ngayon, makabago na. Hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari pa talaga riyan kaya ang hirap magsalita,” sagot ni Ogie.

Sa kabilang banda, puring-puri ni Ogie ang kabaitan at pagiging masunurin ni Liza. Kaya naman ikinatutuwa niya na unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ng dalaga.

Ani Ogie, nakapagpundar na ng mga bahay at kotse si Liza. Ito pala ang ipinangako ng dalaga noon kay Ogie na pagpupursigihang matupad ang mga ito.

Bukod sa bahay at sasakyan, nakapagpundar na rin ng negosyo si Liza.

Isa pa sa pagiging masunurin ni Liza ay ang pagsunod nito sa sinabi ni ogie na bawal siyang mag-boyfriend.

Esplika ni Ogie, “Akala ni Liza noong una, nasa contract ‘yun. Kasi, hindi naman siya nagbabasa talaga ng contract. Kaya sabi ko, ‘May kontrata tayo, hindi ka muna magbo-boyfriend.’” Kaya naman sinunod iyon ng dalaga.

Pero sakaling sagutin na ni Liza si Enrique, iginiit ni Ogie na hindi naman siya magagalit kay Liza. “Mas magagalit naman ako kung magkaka-girlfriend si Liza.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …