Saturday , November 16 2024

e-Passport probe hiling ng obrero sa kongreso

032717_FRONT

HINIKAYAT ng isang malaking asosasyon ng mga unyon ng mga obrero ang Kongreso na imbestigahan ang proyektong e-passport ng pamahalaan at hiniling na ibaba ang presyo nito para maging abot-kaya sa hanay ng mga manggagawa lalo na sa overseas Filipino workers (OFWs).

Sa isang pahayag ng Philippine Association of Labor Unions (PAFLU), tinawag nilang ‘anti-worker’ ang overpricing ng bagong digital passport.

Anila, ang e-passport na iniisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay nagkakahalaga ng P950 plus P250 para “overtime charges” kung nais ng aplikante na pabilisin ito sa pamamagitan ng express lane service.

Inihalimbawa ng PAFLU na ang lumang maroon-colored machine readable passport (MRP) ay nagkakahalaga lamang ng P550 o  P700 kung nais na mas mabilis.

“Maliban sa electronic chip na inilagay sa e-passport para sa data at security features wala nang ibang pagpapahusay na ginawa para ma-justify ang mataas na presyo nito, ang digital products ay mabilis na bumabagsak ang presyo at hindi nagtataas kung wala namang bago,” ani PAFLU president Terry Tuazon.

“Sa 17,000 new applicants araw-araw na humuhugos sa kung saan-saang consular offices sa buong bansa, aba mala-king pera ‘yan na pumapasok sa gobyerno,” dagdag ni Tuazon.

Tinatayang ang Asia Productivity Organization – Production Unit Inc., (APO-PU)  at ang pribadong kasosyo ay humahakot ng P25.5 bil-yon mula sa 10-out e-passport contract, malayo sa P9 bilyong alok ng kontrobersiyal na cigarette manufacturer para ayusin ang tax cases sa pamahalaan.

Ayon kay Tuazon, “Marami sa mga aplikante ng passport ay mga manggagawa na iniiwan ang kanilang pamilya para magtrabaho sa abroad. Sa 5,000 Pinoy na umaalis sa bansa araw-araw bilang mga turista, OFW o nagtutungo sa ibang bansa para permanenteng manirahan doon, tiyak na malaki ang kinikita ng pamahalaan.

Hiniling din ng PAFLU, sa imbestigas-yon, isama ang polisiya ng gobyerno na maitaas o maiangat ang uri ng pamumuhay ng mahihirap na Filipino.

“Ang praktikal na patakaran ay pagaanin ang buhay ng mga manggagawa at huwag nang dagdagan ang mabigat nilang dalahin. Ang abo-lisyon ng terminal fee ay may kaugnayan sa na-sabing polisiya ng pamahalaan,” dagdag ng labor leader.

Idiniin ng PAFLU na nakababahala ang aksi-yon ng DFA na alisin sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang e-passport project  at payagan ang multibillion-peso contract sa APO Production Unit Inc., (APO-PU), isa ring state-run printing facility na pag-aari ng gobyerno, pero ipinakontrata sa pribadong kompanya, ang United Graphic Expression Corporation (UGEC).

Labis na nagtataka ang PAFLU sa mga ulat na ang produksiyon ng nasabing e-passport ay ipinagkatiwala sa isang pribadong kompanya nang walang procurement procedures, walang bidding,  walang diligence report, isang sharing scheme na nakasisira sa gobyerno.

“Samakatuwid hindi lamang ang ating travelling workers ang nagbabayad para sa napakamahal na booklet kundi pati na rin ang ating gobyerno paminsan-minsan,” pahayag ng PAFLU.

Tinawag itong eskandalo at hindi dapat tularan.

“Kaya hinihiling na-ming sa Kongreso na busisiin ang bagay na ito. Ang nasabing transaksi-yon ay hindi nararapat sa isang gobyerno na inihalal upang wakasan ang graft and corruption.”

 

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *