NAKATAKDANG maglabas ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng unilateral declaration of interim ceasefire bago 31 Marso, para bigyang-daan ang ika-apat na round ng peace talks ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Government of the Republic of the Philippines (GRP), na isasagawa mula 2-6 Abril sa The Netherlands.
Ang pahayag ng CPP ay kasunod ng pag-anunsiyo ng New People’s Army (NPA), na kanilang pakakawalan ang dalawang prisoners of war (POWs) sa Mati, Davao Oriental.
Umaasa ang CPP, magdedeklara rin ang pamahalaan ng katulad na unilateral ceasefire, bahagi ng backchannel talks nitong nakaraang 10-11 Marso.
Kasabay nito, hinimok ng CPP ang administras-yong Duterte na iutos sa Armed Forces of the Philippines, na mag-slow down muna sa isinasagawang all-out offensive military operations at aerial bombing at shelling campaigns sa rural barangays, para maging paborable ang isasagawang mutual ceasefire.
Sa March 11 Joint Statement, inaasahan ng CPP na palalayain ng Duterte government ang 19 matatanda at may sakit nang mga bilanggo, pati ang pagpapalaya sa apat na detinidong NDFP consultants.
HATAW News Team