WALANG balak sa ngayon ang National Democratic Front (NDF), na sundin ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na itigil ang koleksiyon ng revolutionary taxes.
Sinabi ni National Democratic Front peace negotiator Rey Casambre, ang mga kondisyong itinakda ni Pangulong Duterte sa pagbabalik ng peace talks, ay isasailalim pa sa diskusyon.
Ayon kay Casambre, mapapasama ito sa agenda na tatalakayin, at kailangan dito ng pagkakasundo para maisakatuparan.
Kasabay nito, iginiit ni Casambre, ang revolutionary taxes ay kinokolekta gaya nang pangongolekta ng gobyerno sa buwis.
Ang katotohanan aniya ay sadyang umiiral ang dual political power lalo sa kanayonan, bagay na hindi inaamin ng gobyerno ngunit malinaw na patunay rito ang pakikipagnegosasyon para sa kapayapaan.
“It only means that these issues become part of the agenda, especially we will be talking about forging bilateral ceasefire. There’s an agreement to do that,” ani Casambre.
“Most of the issues that have been raised as ‘conditions’ are really subject to discussion, subject to negotiation; therefore, part of the agenda.”