Saturday , November 16 2024

7 pasahero ng SUV patay vs closed van (Sa Sto. Tomas, Batangas)

032017_FRONT
PITO katao ang namatay nang magbanggaan ang isang closed van at kotse sa bayan ng Sto. Tomas sa Batangas, kamakalawa ng gabi.

Batay sa report ng Sto. Tomas PNP, bukod sa pitong indibiduwal na namatay sa insidente, isa pang pasahero ang malubha ang kalagayan sa pagamutan.

Ayon sa ulat, dakong 9:45 pm nang magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Brgy. San Roque.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang nasabing closed van ay patungong Tanuan, Batangas, habang ang kotse ay patungong Calamba.

Ang driver ng closed van ay hawak na ng Sto. Tomas Police Station, habang ngpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

4 SUGATAN SA KARAMBOLA
NG 3 MOTORSIKLO AT TRUCK

APAT ang sugatan nang magkarambola ang tatlong motorsiklo, at isang truck sa intersection ng Tandang Sora, Quezon City, kamakalawa.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ng ambulansiya ang mga biktimang isang 70-anyos babae, at tatlong lalaki.

Ayon kay Bobby Biñas, driver ng truck, nagkaroon ng mechanical failure ang kanyang minamanehong sasakyan dahil ayaw kumagat ng preno.

Galing C5 sa Taguig ang truck na may dalang sound system, at papunta sa Malabon.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *