Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake Cuenca nasalpok ng truck, sugatan (Habang nagbibisikleta)

NABALIAN ng buto sa dalawang kamay, at may mga galos sa braso at mukha ang aktor na si Jake Cuenca, makaraan bumabangga sa sinusundang truck, habang nagbibisikleta sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City, kahapon ng umaga

Mabilis na isinugod sa Medical City hospital si Cuenca, 29, makaraan ang insidente.

Ayon sa ulat, dakong 7:00 am, lulan ng bisikleta si Cuenca, nagsasanay para sa sasalihang triathlon, habang sinusundan ang truck nang biglang huminto ang nasabing sasakyan. Bunsod nito, sumalpok sa likod ng truck si Cuenca.

Ayon sa ama ni Cuenca, patuloy ang pagsu-suri ng mga doktor kaugnay sa mga pinsala sa katawan ng aktor.

Samantala, sinabi ni SPO1 Ronald Pacleb, ng Pasay City Traffic Enforcement Unit, kaila-ngan pa nilang makakuha ng kopya ng report ukol sa insidente.

Bagama’t kinompirma ang insidente, hindi pumayag ang pulis na magbigay ng iba pang impormasyon kaugnay nito.

Hindi inihayag ang pangalan ng truck dri-ver, maging ang plaka ng truck, kung sumuko o tumakas makaraan ang insidente.

Napag-alaman, si Cuenca ay nagsasanay para sa gaganaping Iron Man 70.3 triathlon sa Agosto.

Unang sumali ang aktor sa first triathlon race sa Subic kamakai-lan. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …