KUALA LUMPUR – Inihayag ng pulisya nitong Lunes, inaresto nila ang pito katao, kabilang ang limang Filipino, hinihinalang may kaugnayan sa Islamic State militant group.
Ang Southeast Asian nation ay nasa high alert magmula nang maglunsad nang pag-atake ang armadong kalalakihan, hinihinalang may kaugnayan sa Islamic State, nang ilang beses sa Jakarta, capital ng Indonesia, nitong Enero 2016.
Inaresto ng Muslim-majority Malaysia, ang mahigit 250 katao mula 2013 hanggang 2016, bunsod nang hinihinalang aktibidad ng mga militanteng sangkot sa Islamic State.
Sinabi ni Inspector-General of Police Khalid Abu Bakar, karamihan sa mga naaresto ay nadakip sa operasyon sa Sabah, sa Borneo.