NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang tatlong suspek sa pagpapakalat ng pekeng pera sa Sta. Cruz, Maynila, iniulat ng NBI kahapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Richard Ansus, Anthony Cuatico, at Irmalynne Pablo, nadakip sa entrapment operation sa LRC Compound sa Sta. Cruz.
Ayon sa ulat, sinalakay nang magkasanib na puwersa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at NBI-Counter Terrorism Division, ang bahay ni Ansus sa nasabing lugar, bitbit ang search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 50.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Revised Penal Code, Article 168 (illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instruments of credit) at Article 176 (manufacture and possession of instruments or implements for false falsification).
(LEONARD BASILIO)