Saturday , November 16 2024

Plunder case vs Limkaichong pinatulog (Ombudsman Visayas sinisi)

031317_FRONT
IPINAGTATAKA ng mga nagsampa ng kaso kay 1st District Negros Oriental Rep. Jocelyn Sy-Limkaichong at Vice President ng Liberal Party for Visayas kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin inilalabas na desisyon ang Ombudsman Visayas.

Kung magugunita, noong 2013, buwan ng Oktubre sinampahan ng kasong plunder, Malversation of Public Funds, Falsification of Public Documents  at procurement law nina Alberto Sabanal, Edwin Roda, Edmund Sestoso, Nelson Libato at Melecio Nono ang lady solon.

Kasama sa kinasuhan sa Ombudsman Visayas na pinamumunuan ni Paul Elmer Clemente  Deputy Ombudsman, ang asawa ng mambabatas na si Lawrence Limkaichong Jr., alkalde ng La Libertad, Negros Oriental, ang pamangkin na si  Emmanuel Lawrence Iway dating congressional assistant, at Elenita Caballero, municipal treasurer.

Ang nasabing public officials ay sinabing nagsabwatan upang waldasin ang pork barrel o ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng nasabing mambabatas.

Batay sa datos, noong 2009, mula sa natanggap na P15 milyon na PDAF ay ibinigay ni Limkaichong ang P13,500,000 milyon sa bayan ng La Libertad na ang alkalde sa lugar ay ang kanyang asawa.

Ganoon din noong 2010, P16 milyon, mula sa 30 milyon PDAF; 2011, P30,100,000 milyon mula sa 68 milyon PDAF; 2012, P31,500,000 mula sa P70,300,000 PDAF; 2013, P15,000,000 milyon sa P36,600,000 PDAF na nasa P106 milyon ang suma-total ng halagang naibigay sa asawa ni Limkaichong para sa bayan ng La Libertad mula sa kabuoang P220 milyong pork barrel nito.

Ang lahat na ibinigay ni Limkaichong sa La Libertad o sa asawa na nakaupong alkalde ay pinalabas na financial assistance at para raw sa improvement ng nasabing bayan ngunit hindi ito nangyari.

Dahil dito, nagpasya ang mga complainant na magsampa ng kaukulang kaso sa mag-asawang Limkaichong at sa iba pa, bunsod sa maling pamimigay ng PDAF ng congresswoman sa loob ng limang taon.

Samantala, noong 2009 buwan ng Agosto, sinampahan ng kaso sa Committee on Ethics sa House of Representatives si Limkaichong dahil sa umano’y pag-abuso at iregularidad sa paggamit ng kanyang Pork Barrel.

Kinilala ang mga nagsampa ng kaso na sina Mayor Anthony Bayawa ng Tayasan; Vice Mayor Dante Zamora ng Jimalalud; Vice Mayor Cesar Macalua ng Guihulngan; Vice Mayor Ronaldo Lobrido ng La Libertad; Mayor Amor Baldado ng Manjuyod; Vice Mayor Edcel Enardecido ng Ayungon; at Councilor Rusty Serion ng Vallehermoso.

Nakapaloob sa 28 pahinang reklamo ng mga nabanggit na opisyal noon  ang umano’y tangkang panunuhol ng mag-asawang Limkaichong sa opisyal ng Commission on Audit (COA) na tumatayong town auditor.

Paliwanag ni Enardedido, ang kanilang pagsasampa ng kaso sa kongresista ay dahil sa nakikita nilang hindi makatarungan na disbursement ng PDAF ni Limkaichong at lumabas na karamihan sa pondo nito ay ibinigay sa nabanggit na bayan.

Noong Disyembre 2007, isang sulat ang ipinadala ni Limkaichong kay dating House Speaker Jose De Venecia na humhiling mailipat ang kanyang pork barrel na nagkakahalaga ng P7 milyon sa La Libertad.

Nabatid nang maupo bilang House Speaker si Prospero Nograles at DBM Secretary Rolando Andaya, sinubukan ni Limkaichong na mapunta sa naturang bayan ang kanyang pork barrel sa halagang P10 milyon.

Sinabi ni Enardedido, noong 2007 simula nang maupo bilang mambabatas si Limkaichong ay hindi siya nakatanggap ng anomang proyekto mula sa PDAF ng kongresista.

Maliban dito, duda rin ang mga complainant na ang ginawang pagbili ng congresswoman ng bus para sa  Canlaon City gamit ang kanyang PDAF ay overpriced bukod pa sa binili niya ito sa kanyang business partner.

Ang patuloy na sabwatan ng mag-asawa ang nagtulak kina Sabanal, Roda Sestoso Libato at Nono upang magdesisyon silang magsampa ng kaso ngunit tila pinatulog ito ng Ombudsman Visayas.

Dahil dito, nanawagan ang mga mga complainant kay Ombudsman Conchita Carpio Morales na muling buhayin ang kanilang inihaing kaso laban kay Limkaichong upang siya’y maparusahan at mapatalsik sa puwesto.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *