DAVAO CITY – Narekober ng Bureau of Customs (BoC) ang P7.4 milyon halaga ng mamahaling mga sasakyan at iba pang kontrabando, sa loob ng mga container van sa isang pribadong pantalan sa Panabo City, Davao del Norte.
Nanguna si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa pagbukas sa anim container vans, sa loob ng Davao International Container Terminal sa Panabo.
Tumambad ang smuggled onion, nagkakahalaga ng P2.245 mil-yon; lumber, P3.4 milyon; at isang Mercedes Benz, P1.88 milyon.
Samantala, patuloy pang inaalam ang halaga ng mga ipinuslit na niyog at wood pallets, napag-alamang dadalhin pa-puntang China.
Ang mamahaling mga sasakyan ay dadalhin sa Belgium, at sa India ang smuggled onions.
Sinasabing dahil mas hinigpitan ang intelligence gathering, nasubaybayan ng ahensiya ang nasabing mga kontrabando.
Ayon pa sa mga awtoridad, lahat ng mga container van ay walang import clearance at undeclared.
Pinaalalahanan ng BoC ang mga exporter, na sumunod sa batas sa pamamagitan nang pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.