MAAARING maparusahan ang mga paaralan na ginagawang negosyo ang field trips ng mga mag-aaral.
Nagbabala si Department of Education Usec. Tonisito Umali, maaaring kasuhan ng dishonesty, gross misconduct at kasong kriminal o graft and corruption sa Office of the Ombudsman, ang mga gurong rumaraket sa mga field trip.
Ayon sa ulat, napag-alaman ni DepEd Sec. Leonor Briones, mayroong mga guro na may koneksiyon sa travel agencies.
Matatandaan, naglabas kamakailan ang DepEd ng moratorium sa pagsasagawa ng mga educational trips, kasunod nang nangyaring aksidente sa Tanay, Rizal, na maraming mga mag-aaral ang namatay, makaraan sumalpok ang sinasakyang bus sa poste ng koryente.