Saturday , November 16 2024

‘Arsenal’ ng tiwalag sinalakay (Matataas na kalibre nakompiska)

031117_FRONT
KAYANG armasan ang isang assault team sa rami ng nakaimbak na armas na natagpuan sa pag-iingat ng itiniwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Felix Nathaniel “Angel” Manalo at ang kanyang mga kasama-han sa inookupahan nilang bahay sa Tandang Sora, Brgy. Culiat, Quezon City, batay sa pagtataya ng pulisya.

Iba’t ibang klase ng matataas na kalibre ng baril, kabilang ang isang 50 caliber sniper riffle, mga granada, at iba’t ibang uri ng bala ang nakompiska ng mga opera-tiba ng Quezon City Police District (QCPD), sa pagsalakay sa isang abandonadong gusali, malapit sa bahay nang naarestong magkapatid na sina Angel at Lottie Manalo, sa nasabing lugar.

Sa pulong balitaan kamakalawa, iniharap sa mamamahayag ni QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang 56 long firearms, 18 short firearms, 27 hand grenades, 62 riffle grenades, 17,943 bala ng iba’t ibang uri ng baril, at 16 kalibre .38.

Ayon kay Eleazar, dakong 3:30 pm nitong 8 Marso, 2017, nang salakayin ng mga tauhan ng Talipapa Police Station 3, at District Public Safety Battalion (DPSB), ang abandonadong gusali sa isang compound sa 36 Tandang Sora Avenue, Brgy. Culiat, malapit sa bahay ng magkapatid na Manalo.

Ang magkapatid na sina Angel at Lottie ay kapwa itiniwalag ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Kasama sa pagsalakay ng mga operatiba u-pang saksihan ang operasyon, sina Brgy. New Era Chairman Reynaldo Ebron, legal counsels, at security officials ng INC.

Isang opisyal ng QCPD, na tumangging magpakilala, ang nagtataka kung paanong nakapag-imbak nang ganoon karaming armas.

“Nakakikilabot isipin na napasakamay nila ang ganoon karaming baril, at kung ano ang balak nila at kung kanino gagamitin. Ilan sa mga armas na ito ay ginamit laban sa dalawa nating tauhan na inatasang maghalughog sa bahay ni Angel Manalo at ng kanyang grupo ay na-ngangahulugang mapa-nganib ang nasabing grupo,” pahayag ng opisyal.

Sinampahan ng kasong illegal possession of firearms si Manalo, ang kanyang asawang si Jenny, ang kapatid na si Lolita “Lottie” Hemedez, at 24 iba pa nilang kasamahan sa Quezon City Prosecutor’s Office matapos makasagupa ng grupo ang mga pulis na magsisilbi ng search warrant nitong 2 Marso, na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang elemento ng QCPD.

Walang inirekomendang piyansa si Quezon City Assistant City Prosecutor Nilo Peñaflor sa kanyang resolusyon para kay Manalo, ang itiniwalag na kapatid ni INC Executive Minister Eduardo Manalo.

Pinakawalan si Manalo-Hemedez ngunit dadaan sa mas malalimang imbestigasyon. Pinayagan magpiyansa ang anak na si Jem Hemedez.

Samantala, sinampahan ng karagdagang kasong frustrated murder ang isang Jonathan Ledesma, na kasama ni Manalo noong mangyari ang barilan.

Noong nagdaang linggo, sinabi ni Eleazar, sinampahan ng kaso si Manalo at ang kanyang mga kasamahan dahil walang maipakitang lisensiya ang nahuling mga armas.

“Ang delikadong mga armas ay iniuugnay kay Angel Manalo, sa aming pagkakaalam ay hindi na miyembro ng Iglesia Ni Cristo. Base sa aming pangunang imbestigas-yon, hindi sa INC ang mga baril na ito. Nahuli ito sa pag-iingat ni Manalo at ng kanyang grupo,” paliwanag ng source sa pu-lisya.

HATAW News Team

(May kasamang ulat ni ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *