IHAHABOL ng Kamara na maisama sa parusang kamatayan, ang mga kasong rape with homicide, at kidnapping with murder.
Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, malaki ang posibilidad na madagdagan ang mga kasong mapapabilang sa death penalty.
Ayon kay Alvarez, magi-ging madali ang pag-amiyenda sa death penalty bill dahil tumatakbo ito sa Kongreso.
Dalawampu’t isang krimen ang sakop ng orihinal na death penalty bill, ngunit binawasan nang binawasan para makakuha nang mas malakas na suporta, mula sa mga mambabatas.
Sa ngayon, ilegal na droga na lang ang may parusang kamatayan, ayon sa panukalang batas.
“Nandiyan ang posibility kasi sa bicam naman puwedeng may konting adjustment doon sa ano e panukalang batas. Ngayon, pero ito may pro-seso at kailangan ito sang-a-yonan din ng both members ng both houses,” ani Alvarez.
Sakaling makalusot sa bicam ang panukala, executive department na aniya ang pi-pili kung anong paraan ang gagamitin sa parusa, tulad ng lethal injection.