LAHAT ng sekta ng relihiyon ay hihingian ng suporta ng PNP, sa kanilang ilulunsad na giyera kontra droga, lalo sa Oplan Tokhang Part 2, hindi lang ang simbahang Katolika.
Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa, lahat ng sekta ng relihiyon ay kasama rito, at diskarte na ng kanilang mga chief of police, na makipag-usap sa religious leaders sa kanilang Lugar.
Bukod sa parish priest, maaaring humingi ng suporta sa mga pastor sa kanilang lugar, at sa mga Imam sa mga Muslim community.
Layon nitong ipakita ang sinsiredad ng PNP sa kampanya laban sa ilegal na droga, at hihingiin ang suporta nang lahat para rito.
Binigyang-diin ni Dela Rosa, kahit sa anti-drug operations ay maaari rin sumama ang religious leaders kung sila ay interesado.
OPS TOKHANG 2
SINIMULAN
SINIMULAN nang ipatupad kahapon, ng Philippine National Police (PNP) ang panibagong bersiyon ng “Oplan Tokhang.”
Una rito, sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, magkakaroon ng dalawang bahagi ang proyekto.
Aniya, palalakasin muna ng PNP ang pagtugis sa high-value targets (HVT), saka nila isu-sunod ang masinsinang bagong bersiyon ng “Oplan Tokhang.”
Sa bagong bersiyon, ang mga chief of police ang mangunguna sa o-perasyon. Kasama rito ang mga lokal na opisyal ng barangay.
Nangako si Dela Rosa na lalo pang hihigpitan ng PNP ang pagbabantay laban sa “vigilante groups” na sinasamantala ang Oplan Tokhang para makapagsagawa ng extrajudicial killings.
Inimbitahan ni Dela Rosa ang Simbahang Katolika, na samahan sila habang isinasagawa ang pagkatok sa mga tahanan ng suspected drug personalities.