Monday , December 23 2024

P3.8-M shabu nasabat sa Dumaguete

NASABAT ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang P3.8 milyon halaga ng shabu, mula sa isang hinihinalang drug courier sa Dumaguete, Negros Oriental, nitong Sabado.

Kinilala ni Novemar Pinanonang, hepe ng PDEA-Negros Oriental team na nagsagawa ng operasyon, ang suspek na si Genaro Amorin Jr.

Si Amorin ay naaresto sa Colon extension street sa Brgy. Taclobo, makaraan iabot ang mahigit isang kilo ng shabu sa isang PDEA undercover agent.

Ang droga ay nakalagay sa bag at nababalutan ng packaging tapes.

Ayon kay Amorin, hindi niya kilala ang taong nag-utos sa kanya na ibi-gay ang package sa isa pang lalaki, na ahente pala ng PDEA.

Inihahanda na ang kasong droga laban sa suspek.

Sa Antipolo
P1-M SHABU
KOMPISKADO
SA MAG-ASAWA

NAKOMPISKAHAN ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ng tinatayang P1 milyon halaga ng shabu ang mag-asawa, sa pagsalakay sa Antipolo City, kamakalawa.

Ayon kay Dheo Tabor ng PDEA, nakompiska ang droga sa bahay nina Jon Paul at Norylyn Agir sa Brgy. Sta. Cruz, sa nabanggit na lungsod.

Dagdag ng PDEA officer, ang raid ay nagpa-patunay na bumalik na ang mga drug trafficker, tangkang magpakalat muli ng droga.

Ito aniya ay makaraan suspendihin ng PNP ang kampanya laban sa illegal drugs.

“Nag-a-attempt silang ulit bumalik, mag-distri-bute nang mas malaking volume ng drugs as confirmed ngayon dahil nga sa laki ng na-recover natin,”  ayon kay Tabor. (ED MORENO)

DRIVER NA TULAK
NG SHABU ARESTADO

SWAK sa kulungan ang isang hinihinalang drug pusher makaraan maaresto habang nagbebenta ng shabu sa ikinasang drug buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala nina PO3 Noel Bollosa at PO3 Cesar Garcia, ang suspek na si Erick Glodo, 42, family driver, taga-Kalayaan St., Brgy. 151, Bagong Barrio, naharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002).

Narekober sa suspek ang dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at P200 buy-bust money. (ROMMEL SALES)

14-ANYOS TIKLO

SA MARIJUANA

ARESTADO ang isang high school student makaraan mahuli sa aktong humihithit ng marijuana sa loob ng compound ng kanilang paaralan sa Caloocan City.

Pansamantalang dinala sa pangangalaga ng Caloocan City Social Welfare Development  ang inarestong suspek, edad 14-anyos, at estudyante ng Caloocan City High School.

Ayon kay Caloocan Police Station Investigation Division Management Branch (SIDMB) Chief Insp. Ilustre Mendoza, dakong 6:00 pm kamakalawa nang i-turn over sa kanila ng mga tauhan ng naturang paaralan ang binatilyo.

Dakong 2:30 pm kamakalawa nang mahuli sa akto ang binatilyo ng kanilang School Diciplinary Officer, habang humihithit ng marijuana sa loob ng kanilang eskuwelahan.

Nakompiska mula sa binatilyo ang maliit na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *