Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CDO Funtastyk Tocino at Maine, celebrates with fans for Top-selling feat

THE date of a lifetime — isang intimate sit-down dinner sa isang exclusive, fine dining restaurant kasama ang hottest star sa bansa ngayon na si Maine Mendoza. Sa ganitong paraan ipinakita ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino, ang top-selling tocino sa bansa ang kanilang pasasalamat sa kanilang loyal na consumers kung paano, naging number 1 na ngayon ang CDO Funtasytyk.

At para maging bahagi ng espesyal na selebrasyon, ang mga loyal consumer ay kinailangang mag-post sa Maine’s Funtastyk Dares sa Facebook. Hundreds of entries ng photos and videos ang natanggap mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao at namili ng Top 20 most creative at naiibang entries.

Mas ipinakita ng consumers na ito ang pagmamahal nila sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino. Ang ibang nagpadala ng “dares” ay ipinamalas pa kung paano maaaring kainin sa iba’t ibang paraan ang CDO Funtastyk kahit anong oras sa buong araw.

Naging very memorable nga ang date ng top 20 winners na mula sa Luzon at Mindanao na bukod sa napakasarap na French Mediterranean dinner sa Lemuria Garden Restaurant, hindi nawala ang espesyal na putahe ng CDO Funtastyk Tocino na may kasamang pineapple, brie, at shallots.

At siyempre, ito rin ang espesyal na gabi na nabigyan ng pagkakataon ang 20 winners na makasama at makausap ang Dubsmash Queen na si Maine na pinag-usapan din nila ang mga naging funtastyk dare nila. Naiparamdam naman ni Maine sa 20 winners kung gaano siya ka-proud at kasaya na makilala at makasama ang mga ito.

It was truly a memorable night not just for our winners but also for Maine. Sa dinner celebration, hindi lamang ang mga winner ang nakatanggap ng sorpresa, sila rin ay binigyan ng sorpresa ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino endorser na si Maine dahil sa nalalapit niyang kaarawan.

Ayon kay Maine, ”Proud na proud ako sa kanilang lahat!”

Bilang isa sa aminadong fan talaga ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino, vocal si Maine kung gaano niya naa-appreciate ang salitre-free tocino. ”Like them, paboritong paborito ko rin ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino. Masaya talagang makasama ang mga tulad mong mahilig sa top-selling tocino na siguradong 100% young pork na nga, no need to boil pa!

“When I really get to know and bond with my fans, young talaga ang love ko! Proud na proud ako sa kanilang lahat! Dahil number 1 na ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino, ito ang way namin para mapasaya ang loyal users namin.

“This is our way of thanking the loyal CDO Funtastyk Young Pork Tocino users sa walang sawang suporta!”

May pagkakataon din kayong mapanood ang dinner date ni Maine sa pamamagitan ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino Facebook fan page. Watch it now and celebrate with Maine and the top-selling tocino ng bayan.

As Maine proudly and cheerfully declared, ”Woohooo! Hindi ko talaga ipagpapalit ito!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …