Saturday , November 16 2024
pnp police

Bagong PNP anti-drug unit ilulunsad

KINOMPIRMA ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa, bi-nuo nila ang bagong anti-drug unit ng pambansang pulisya, pinangalangang PNP-Drug Enforcement Group (P-DEG).

Ang P-DEG ang papalit sa PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG), nbinuwag kasunod nang kontrobersiya lalo na sa naging partisipasyon ng ilang mga tauhan nito sa pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.

Ayon kay PNP Chief PDGen. Ronald Dela Rosa, nga-yong araw ay pormal nang ilulunsad ng PNP ang bagong anti-illegal drug unit, kasama rito ang hotline, na puwedeng tawagan ng publiko para sa mga reklamo.

Si S/Supt. Graciano Mijares, deputy regional director for administration sa Central Luzon, ang mamumuno sa bagong anti-drug unit ng PNP.

Si Mijares ay miyembro ng PMA Class 1988, nagsilbi rin sa ilalim ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force.

Kompiyansa si Dela Rosa, magagampanan ni Mijares ang kanyang bagong trabaho, bilang bagong pinuno ng PDEG.

Una rito, sinabi ni Dela Rosa, ang mga taong bubuo sa PNP-Drug Enforcement Group ay mga pulis na walang bad record.

Dagdag ng PNP chief, gusto niya na maging bahagi rin sa bagong anti-drug unit nila ay mga bagitong pulis.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *