NAG-IWAN ng isang patay ang magnitude 5.9 lindol sa Lungsod ng Surigao nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Socoro Cenes, 65, residente ng Narciso Street kanto ng Lopez Jaena Street sa Surigao City.
Binawian ng buhay si Cenes makaraan atakehin sa puso, nang yanigin nang malakas na aftershock ang kanilang lugar.
Mahigit 50 residente ang sugatan, at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Nakapagtala ng pinsala gaya nang tuluyang pagguho ng ilang bahay, na dati nang may crack o bitak.
Kaugnay nito, inianunsiyo ni Marilyn Porno, officer-in-charge ng Surigao del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang class suspension ngayong araw, Lunes.
Wala aniyang pasok ang elementary level sa Surigao City, gayondin sa mga bayan ng San Francisco, Malimono at Sison, upang ipasuri muna ang estruktura ng mga paaralan para sa kaligtasan ng mga estudyante.
Napag-alaman, nag-panic muli ang mga taga-Surigao del Norte kasunod nang malakas na pagyanig.
Base sa PHIVOLCS-Surigao, ang 5.9 magnitude lindol ay nasa walong kilometro sa kanluran ng San Francisco, may lalim na pitong kilometro at tectonic ang origin.
Naramdaman din ang lindol sa mga karatig na lalawigan.
Ayon kay Surigao City Vice Mayor Alfonso Casurra, nakatambay ang karamihan sa gilid ng kalsada dahil sa takot na naputol ang linya ng koryente.