Saturday , November 16 2024

Lolo’t lola 3 apo patay sa sunog (Sa Taguig)

030217_FRONT
PATAY ang dalawang senior citizen at tatlong batang apo sa sunog sa isang residential area sa Brgy. Pinagsama, Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Taguig Fire Marshall Ian Guerrero, ang mga biktima ay kinilalang ang mag-asawang sina Ramon, 78, at Virginia Benjamin, 68, at kanilang mga apo na sina Francine, 12, Franklin, 8, at France John Loza-no, 6, magkakapatid.

Nasa trabaho ang kanilang ama habang nasa labas ng bahay ang kanilang ina kaya hindi naagapan ang mga biktima.

Mahigit tatlong oras bago tuluyang nakontrol ang sunog na tumupok sa 10 bahay.

Base sa ulat ng Taguig Fire Department, dakong 8:30 pm nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Melanie Castro sa Palar St., Brgy. Pinagsama, malapit sa hangga-nan ng Brgy. Southside, Makati City.

Ikinuwento ng isa sa mga nasunugan na si Nida, walang koryente sa bahay ng pamilya Castro, at ang gamit lamang ay kandila at gasera.

Maaari aniyang napabayaan ang kandila at gasera nang mag-away ang anak at manugang ng pamilya Castro, nagresulta sa pagsiklab ng apoy.

ni JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *