KOMBINSIDO si Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa, may kinalaman sa droga ang panibagong banta ng Maute group sa kanyang buhay.
Naniniwala si Dela Rosa, droga at posibleng drug money ang nag-ud-yok sa Maute group, na pagtangkaan ang kanyang buhay habang nasa Mindanao State University noong Enero.
“Bakit? Ano ang personal na galit nila sa akin, except for my job. Hindi ko naman sila kilala personally. Hindi ko naman sila karibal sa babae. Hindi ko naman sila naging karibal sa business, kung ‘di naging Chief PNP ako na leading the war on drugs,” ani Dela Rosa.
Matatandaan noong 30 Enero, dalawang homemade bombs ang narekober ng mga awtoridad sa loob ng compound ng Mindanao State University (MSU).
BALIK WAR ON DRUGS
NG PNP MAS MADUGO
POSIBLENG maging madugo muli ang giyera kontra droga sa muling pagpasok ng Philippine National Police (PNP), ayon kay PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa.
Sinabi ng heneral, hindi niya maipangangako na wala nang dadanak na dugo sa ‘war on drugs’ at iginiit na nakadepende kung lalaban ang hinuhu-ling drug suspects, at kung malalagay sa peligro ang buhay ng mga awtoridad na humahabol sa mga suspek.
Ayon kay Bato, walang pulis na gustong maging madugo ang kanilang mga operasyon, ngunit hindi ito maiiwasan lalo’t giyera ang idineklara ng gobyerno laban sa droga, at may mga pahayag ang ilang drug lords, na hindi nila isusuko ang bilyong pisong negosyo nila sa bawal na gamot.