HINDI ako matatakot!
Ito ang binigyang-diin ni Senador Antonio Trillanes IV, sa naging banta ni Solicitor General Jose Calida.
Unang inihayag ni Calida, pag-aaralan niya ang posibleng kaso laban kay Trillanes dahil sa mga batikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trillanes, ipagpapatuloy niya ang nasimulan niyang pagbubulgar laban kay Duterte, na pawang katotohanan, kabilang ang paggamit sa kapangyarihan.
Kasabay nito, pinatatahimik ni Trillanes si Calida, at sinabing gawin ang plano laban sa kanya.
“They can threaten me all they want but I will continue to fulfill my mandate to expose the truth about President Duterte and stand up against the blatant misuse and abuse of power by his administration. So, Mr. Calida, shut up and just do it,” diin ni Trillanes.
(CYNTHIA MARTIN)