NAGHAIN ang kampo ni Sen. Leila de Lima sa Supreme Court (SC) ng status quo ante order, kumukwestiyon sa legalidad ng pag-aresto at pagdetine sa senadora nitong Biyernes.
Pormal na naghain ng petisyon ang kampo ng senadora, sa pangunguna nina Atty. Alex Padilla at Atty. Philip Sawali, kahapon.
Sa 82-pahinang petition for certiorari, hiniling ng mga abogado ng senadora, na agad mag-isyu ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) sa proceedings at status quo ante order sa arrest warrant ni De Lima.
Muling iginiit ng senadora, ilegal ang paglabas ng arrest order, warrant of arrest, at commitment order na inisyu ni Judge Juanita Gurrero ng Muntinlupa Regional Trial Court, Branch 204, kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa senadora, hinggil sa ilegal na droga.
Sinabi ni De Lima, nagkaroon ng “grave abuse of discretion” sa desisyon na agad siyang arestohin, at nalabag ang kanyang constitutional, legal at procedural rights.
Dagdag ng senadora, bago ang pag-aresto ay naresolba muna dapat ang kanilang motion to quash na diringgin sana noong 24 Pebrero.
Muli ring iginiit ni De Lima, ang Sandiganba-yan o Ombudsman ang may hurisdiksiyon sa kaso, dahil nangyari ang mga ibinibintang sa kanya noong Department of Justice (DoJ) secretary pa siya sa administras-yong Aquino.