AMINADO si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, gusto na nilang bumalik sa giyera laban sa ilegal na droga.
Sinabi ni Dela Rosa, habang tumatagal na wala sila sa “war on drugs” ay mas lumalala ang problema.
Aniya, sa katunayan nang mag-ikot siya sa Kali-nga at Zamboanga City, lahat nang nakausap niyang lokal na opisyal, mula barangay captain hanggang gobernador, ay hinihiling sa kanyang ibalik na ang mga pulis sa pagsugpo ng illegal na droga, dahil nagiging siga nang muli ang mga drug pusher at user sa kanilang mga lugar.
Giit ni PNP chief, may natanggap din siyang report, na unti-unti nang namama-yagpag ang mga drug pusher sa kalye.
Pahayag ni Dela Rosa, kahit nais ng local government officials na ibalik ang PNP sa kampanya kontra droga, hindi niya ito irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ayaw nilang pangunahan ang presidente.
Binigyang-diin ni Dela Rosa, kailangan pa nilang tapusin ang internal cleansing bago bumalik sa giyera kontra droga, dahil walang katapusan ang paglilinis sa kanilang hanay.