Saturday , November 16 2024

LP senators ‘pinatalsik’ sa rigodon (Drilon inalis bilang Senate Pro-Tempore)

022817_FRONT
NAGULAT ang ilang senador nang biglaang ipinatupad ang reorganisasyon, at tinanggal ang mahahalagang chairmanship sa mga miyembro ng Liberal Party (LP).

Pangunahin sa ti-nanggal bilang Senate Pro-Tempore si Sen. Frank Drilon, matapos maghain ng mosyon ni Sen. Manny Pacquiao, kilalang ma-lapit na alyado ng admi-nistrasyon.

Agad tumayo si Drilon at hindi nagpaha-yag ng pagsalungat, saka nag-second the motion.

Ang iba pang inalisan ng chairmanship ay sina LP president, Sen. Francis Pangilinan, at Sen. Bam Aquino.

Ang dagliang rigodon ay nangyari ilang araw makaraan arestohin si Sen. Leila de Lima, at pagsama ng nabanggit na LP senators sa kilos portesta nitong nakalipas na Sabado, sa People Power mo-nument nitong Sabado, 25 Pebrero, na pinuntahan din ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ipinalit kay Drilon si Sen. Ralph Recto, dating minority leader.

Sa nasabing reorga-nisasyon, inihalal si Sen. Cynthia Villar mula sa Nacionalista Party (NP), upang hawakan ang Senate Committe on Agriculture and Food, mula kay Pangilinan.

Ang independent senator na si Francis Escudero ay papalitan si Aquino sa Education committee.

Habang si Sen. JV Ejercito ang papalit kay Sen. Risa Hontiveros sa Health and Demography committee.

Kasunod nito ay nagdeklara agad si Hontiveros na aanib siya sa oposisyon o minorya.

Pumanig na rin sina Drilon, Aquino, Pangilinan sa oposisyon, na ang orihinal na miyembro ay sina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Recto.

Si De Lima ay sina-sabing tiyak nang sasama ngunit hihintayin muna ni Senate President Koko Pimentel, ang pormal na komunikasyon ng senadora.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *