LIBO-LIBONG mamamayan kasama ang iba’t ibang organisasyon ang nagsama-sama sa ginawang “peaceful and meaningful gathering” nitong nakaraang Sabado sa Quirino Grandstand sa Luneta bilang pagsuporta sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa krimen at korupsiyon at pagsu-sulong ng federalismo sa bansa.
Nanguna sa nasabing ‘historic event’ ang bagong tatag na Youth Power Against Destabilization (YPAD) na nagtipon-tipon ang mahigit 5,000 kasapi sa harap ng Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila at tahimik na nagmartsa at tumungo sa Luneta habang isinisigaw ang: “No to destabilization, yes to peace through federalism.”
Ayon sa YPAD at organizers tulad ng Members of the Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) maging ang Volunteers against Crime and Corruption (VACC), Hugpong Federa-lismo at marami pang people’s organization, ang na-sabing pagtitipon ay tumapat sa pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA People Power na anila: “It complemented with each other as entire Filipinos celebrate freedom and democracy.”
Ayon naman kay Interior and Local Government Undersecretary John Castriciones, ang pagsasam-sama sa Luneta Grandstand ay ginawa hind u-pang papanghinain ang alaala ng EDSA People Power may 31 taon na ang nakararaan “but to clamor for genuine change since it’s (EDSA people power) true spirit was not achieved at all.”
Aniya, ang naganap na matahimik na assembly ng napakaraming mamamayan ay pagpapakita lamang ng todong suporta ng tao sa liderato ni Pa-ngulong Rodrido Duterte lalo sa kanyang laban “against the ‘evils of society,’ such as corruption, criminality, poverty and the illegal drug trade.”
Tunay na naniniwala ang YPAD sa ginagawang pagsusulong mismo ng Pangulo na mapalitan ang kasalukuyang anyo ng pamahalaan dahil ito (fe-deralismo) ang magiging tunay na tugon upang lalong maging mas matatag at maunlad ang Filpinas.
Sa ilalim ng federalismo, ayon sa mga eksperto, ay magkakaroon ng iba’t ibang autonomous regions o states na ang pamahalaang nasyonal ay naka-focus sa mga usaping pangkalahatan tulad ng foreign policy at national defense.
Sa mga rehiyon naman ay mga lokal na pamahalaan na magkakaroon ng kani-kanilang sariling responsibilidad sa kanilang nasasakupan lalo sa se-guridad, edukasyon, negosyo, healthcare at marami pang iba na hindi na kakailanganin pa ang desis-yon na manggagaling sa national government o sa Malacañang.
“In the country’s current form of government, LGUs (local government units) have to turn a big bulk of their funds to the national government but under federalism, this will allow the autonomous regions or states to use the majority of their funds for their own development and without needing a go-signal from Malacañang,” ayon sa proponents nito.
“Since federalism allows fiscal autonomy for local governments, the country’s wealth will be more evenly distributed among the state governments,” dagdag nila.
Mas lalong malaki ang paniniwala ng YPAD na kapag tuluyan nang napailalim sa federalismo ang bansa ay tiyak na mas maraming negosyo ang mabubuo sa autonomous regions at hindi na kakai-langanin pang magsiksikan ang mga tao sa Metro Manila upang manirahan at maghanap ng trabaho.
HATAW News Team