Monday , October 7 2024
Sipat Mat Vicencio

Supalpal si Noynoy

MUKHANG nagkamali nang panantiya si dating Pangulong Noynoy Aquino. Hindi niya inakala na konti lamang ang sasama sa kanya para ipagdiwang ang ika-31 anibersaryo ng EDSA Revolution na ginawa sa People Power monument sa Quezon City.

Halos hindi pa umabot sa 2,000 katao ang sumama kay Noynoy kabilang na ang mga dilawang politiko na kasapi ng Liberal Party tulad nina Sen. Bam Aquino, Risa Hontiveros, Frank Drilon, Kiko Pangilinan at Vice President Leni Robredo.

‘Ika nga, nilangaw ang demonstrasyon ng dilawang grupo na pinamumunuan ni Noynoy. Inakala nilang papatulan pa sila ng taongbayan pero nagkamali sila. Ang hinihintay nilang dami nang susuporta sa kanilang ipinaglalaban ay hindi nangyari.

Bigo sila sa kanilang panawagang pabagsakin si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa araw mismo ng anibersaryo ng EDSA Revo-lution.  Ang apat na araw na vigil na panawagan ng mga dilawan ay hindi rin nangyari at sa halip nanatiling suportado ng mamamayan si Digong.

Supalpal si Noynoy!

Ang pro-Digong vigil-rally na isinagawa sa Rizal Park sa mismong araw ng EDSA Revolution ay naging matagumpay.

Mahigit sa 200,000 katao ang nagtungo sa Luneta para suportahan ang gobyerno ni Digong.

Ipinakita rin ng libo-libong supporters ni Digong ang pagsuporta sa programa ng kanilang pangulo tulad ng giyera sa illegal na droga, malalang corruption at ang patuloy na kriminalidad sa bansa.

Parang mga basang-sisiw ang mga lumahok sa rally ni Noynoy.  Paulit-ulit at gasgas na ang kanilang mga talumpati na pawang pagtutol sa mga programa ng administrasyong Digong. Wala sa realidad ang mga dilawang grupo, at hindi nila naiintindihan ang tunay na pulso ng taongbayan na karamihan ay pabor sa programa ni Digong kontra sa droga.

Hindi lang sa Rizal Park nagpakita ng pu-wersa ang grupo ni Digong kundi pati sa Davao na umabot din sa libo-libong supporter ang nagsagawa ng demonstrasyon para sa kanilang pangulo.

Bukod sa Davao, nagkaroon din ng pagkilos sa Ilocos Norte, Iligan, Zamboanga, Butuan, Surigao at sa ibang bansa tulad ng Tokyo sa Japan, Macau, Dubai, Madrid sa Spain, Toronto sa Canada, Paris sa France at Hong Kong. Nakalulula ang suporta kay Digong ng taongbayan.

Nag-aaksaya lamang ng panahon ang mga dilawan kung inaakala nilang mapapatalsik nila sa puwesto si Digong.

Sabi nga, better luck next time.  Hindi pa hinog ang panahon para pabagsakin si Digong!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *