NAKATAKDANG magwelga bukas, Lunes, ang mga jeepney driver sa Metro Manila, at sa ilang lalawigan bilang protesta sa nakaambang phaseout sa kanilang mga sasakyan.
Ang welga na isasagawa sa 27 Pebrero ay naglalayong igiit sa pamahalaan na huwag ituloy ang planong phaseout sa lumang jeepney, at sa ipatutupad na P7 milyon minimum capital para sa jeepney operators, at 10 minimum units para sa bawat prankisa.
Ayon sa transport group na PISTON, ang mga miyembro sa Metro Manila at mga alyado nila sa ilang lalawigan, ay nagkompirma nang paglahok sa welga.
Ang Metro Manila jeepney drivers ay magtitipon-tipon sa Monumento Circle dakong 6:00 am sa Lunes, at iba pang “protest centers” sa mga lungsod.
Magkakaroon din ng pagtitipon sa Quezon City Elliptical Circle dakong 11 a.m. bago magmartsa patungo sa Mendiola.
HATAW News Team