KOMPIYANSA si House Deputy Speaker Fredenil Castro, hindi mabibigyan ng special treatment si Sen. Leila de Lima, sakaling matuloy ang pag-aresto sa senadora.
Pahayag ito ni Castro makaraan ma-raffle ang tatlong kasong kriminal na isinampa ng Department of Justice (DoJ), laban kay De Lima kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.
Binigyang diin ng kongresista, ang batas sa bansa ay walang pinipiling posisyon, senador man, presidente o ordinaryong kriminal.
Habang idinepensa ni Castro ang pagsampa ng DoJ ng mga kaso kontra sa senadora sa Muntinlupa Regional Trial Court.
Aniya, hindi dapat ikagulat ng taongbayan ang pagsasampa ng kaso kontra kay De Lima dahil may prima facie evidence para maisampa sa husgado.