NAKAKALOKA naman ang break-up kuno nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Sobrang ingay at kung ano-anong speculation ang kumalat.
May banta pang pasasabuging balita. Pero guess what kung ano ‘yun?! ‘Yun pala ang show nila sa America.
Nakaaaliw hindi ba? Marami tuloy ang pumalakpak sa Kapamilya kung ito ba (paghihiwalay) ay isang gimik para pag-usapan ang dalawa o para pag-usapan ang show.
Ang nakadedesmaya sa pag-iingay ng dalawa, pera ang lumulutang na problema.
So, kung pera ang dahilan, wala palang pag-iibigang nadarama ang dalawa?
The moral lesson of the story, mag-isip mabuti bago makipag-boyfriend sa pogi na sikat pa.
SHOWBIG – Vir Gonzales