Wednesday , April 16 2025

Gov. Umali ipinagbawal pagputol at pagbiyahe ng Coconut tree (Sa Oriental Mindoro)

NAGLABAS ng Executive Order (EO) No. 85 si Oriental Mindoro Governor  Alfonso V. Umali, Jr., para sa pansamantalang pagpapatigil sa pagpuputol ng niyog at paglalabas sa ibang lugar ng mga coco lumber sa lalawigan.

Ito ay dahil sa napakaraming puno ng niyog ang nasalanta ng nagdaang bagyong Nina na halos ikaubos nito.

Sa datos ng pamahalaang panlalawigan, nasa 150,000 board feet puno ng niyog ang nasira. Kung ito ay susumahin, malaki ang nasira sa industriya ng niyog na isa sa malaking nag-aambag sa ekonomiya ng Oriental Mindoro.

Sa bisa ng EO, at binuong Task Force na magmo-monitor sa pagpapatupad ng nasabing batas hinggil sa pagpuputol at pagbibiyahe ng mga coco lumber.

Ang binuong Task Force ay makikipag-ugnayan  sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor upang mapigil ang mga pagpuputol at pagluluwas na walang pahintulot mula sa pamahalaang lokal.

Ayon kay provincial administrator Nelson B. Melgar, hihigpitan ng mga ahensiya ng gobyerno tulad  ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang pagbibigay ng “permit to cut” ng coco lumber operators nang sa gayon ay mas higit na makinabang ang mga Mindoreño sa darating na mga panahon.

About hataw tabloid

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *