Saturday , November 16 2024

Driver, 13 estudyante patay sa Tanay (Tour bus nawalan ng preno saka sumalpok sa poste)

022117_FRONT
UMAKYAT na sa 14 katao ang mga namatay sa pagsalpok ng isang tourist bus sa poste ng koryente sa Brgy. Sampa-loc, Tanay, Rizal kahapon ng umaga.

Kabilang sa namatay ang driver ng Panda Coach Tours and Transport Inc. bus, na si Julian Lacorda, 37, dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Napag-alaman, 59 katao ang lulan ng bus, kabilang ang driver.

Umabot sa 22 pasahero ang mga sugatan sa insidente.

Ilan ay dumanas ng minor injuries ngunit ang ina ay fracture sa katawan, nagkaroon ng spinal cord at head injury.

Ang mga biktima ay mga estudyante ng Bestlink College sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Engr. Carlos Onofre, pinuno ng Tanay Disaster Risk Reduction and Management Office, patungo sa isang resort sa naturang bayan ang bus, para sa camping na requirement sa kanilang NSTP subject.

Nawalan ng preno ang bus at sumalpok sa poste ng koryente at concrete barrier.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Tanay police, matulin ang takbo ng bus kahit na kurbada ang daan at palusong.

Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) inspectors, patunay nang malakas na impact ang pagkakatanggal ng ulo ng bus, at wasak na bubong nito.

Tila sinadyang ibangga ng driver ang bus dahil kapag kanyang idineretso, mahuhulog ito sa bangin at tiyak na mas marami ang mamamatay.

Ayon kay Jona Martires ng Panda Coach Tours and Transport, Inc., tatlong buwan pa lamang sa kompanya ang driver na si Lacorda bagama’t galing din siya sa ibang bus company.

Nirentahan ang bus na maghahatid sa mga estudyanteng nakatakdang mag-camping sa Tanay.

Sinabi ni Martires, 13 taon na ang nasabing bus bagama’t unang pagkakataon ito na nasangkot sa aksidente ang kanilang unit.

Tiniyak ng kompanya na sasagutin ang gastos ng mga sugatan maging ang pagpapalibing sa mga namatay.

Inihayag ng ilang survivors, bago ang insidente, nakaamoy sila na parang may nasusunog na gulong.

Sinabi ni Nico de Guzman, 17, naramdaman niya na mainit ang sahig ng bus.

Habang inihayag ng 18-anyos na si Bobby Santos, nag-panic sa loob ng bus nang sumigaw ang driver na nawalan sila ng preno, ngunit ilan sa kanilang mga kasamahan ay natutulog.

Wala aniyang problema sa sasakyan nang sunduin sila sa paaralan, at nawalan lang ng preno nang palusong na ang daan.

Wala rin aniya siyang nakitang konduktor o pahinante ng bus na kasama ang driver.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *