Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kakaibang ‘spamusement’ park sa Japan

ISA sa pinakamaganda at pinaka-relaxing na bagay patungkol sa adulthood ang pagpunta sa spa at makaranas ng R&R makaraan ang isang linggong pagtatrabaho.

Dangan nga lang, ang grown-up luxury na ito ay nararanasan na rin ngayon ng mga kabataan dahil na rin sa pagkakaroon ng pambihirang amusement park ride.

Kamakailan ay inihayag ni Mayor Yasuhiro Nagano ng Beppu, Japan ang plano niyang magpatayo ng amusement park para sa mga spa sa kanyang lungsod sa Oita Prefecture sa isla ng Kyushu. Kilala ang Beppu sa hot springs na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista.

Nagsimula ang plano ni Nagano sa viral video na nagpakita ng potensiyal na sinasabing ‘spamusement’ park, na idinisenyo para sa towel-clad park-goers na nagre-relax sa mga steam room trolley rides, merry-go-rounds na may mga tub at bubble bath roller coaster.

Ipinangako ng alkalde na gagawin niyang realidad ito kapag nag-hit ang nasabing video ng isang milyong viewer. Sa ngayon ay mahigit dalawang milyon na ang view nito.

Wala pa nga lang balita kung ano-anong amenity ang mapapabilang sa planong spamusement park ngunit maaasahan ang video na makapagbibigay ng almost-definite blueprint para rito.

Ngunit mayroong mga katanungan na dapat sagutin si Nagano, tulad ng uri ng pananamit sa mga sasakay sa park ride. At gayon din ang problema ng germs, hindi po ba?

Gayonman, natitiyak naming masasagot ang lahat ng haharaping problema o katanungan ng alkalde ng Beppu dahil hindi rin naman first time sa Japan na sumubok ng bagong konsepto para sa isang tourist attraction. Ang bansa ay tahanan sa isang Robot Restaurant at ang Meguro Paraiste Museum, na makikita ang mahigt 45,000 specimen, kabilang ang pinakamahabang tape worm naitala.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …