MAGLALAAN ang gobyerno ng P2 bilyon halaga ng relief aid sa survivors ng 6.7 maginitude lindol sa Surigao del Norte.
Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa harap ng mga residente ng Surigao City, isa sa mga matinding sinalanta nang malakas na lindol nitong Biyernes ng gabi.
Kaugnay nito, bahagyang nakararanas ng “delays” ang pamamahagi ng relief aid sa probinsya, dahil sa kawalan ng aircraft na pagkakargahan nito.
Bukod dito, mahirap din ang pagbibigay ng tulong, dahil sa nakitang bitak sa runway ng paliparan ng Surigao City.
Pagkatapos ng speech ng Pangulo, pinanguna-han niya ang pamamahagi ng maiinom na tubig, at food packs sa survivors ng lindol.
NPA SA SURIGAO
NAGDEKLARA
NG CEASEFIRE
NAGDEKLARA ng unilateral ceasefire ang New People’s Army (NPA) sa Surigao del Norte, at ilang bahagi ng Agusan del Norte, simula noong 11 Pebrero hanggang makabangon ang probinsya sa prehuwisyong dulot ng magnitude 6.7 lindol, yumanig sa Surigao City, nitong Biyernes ng gabi.
Sinabi ni Ka Oto, tapagapagsalita ng Guerilla Front 16 ng NPA, ang pagtigil ng mga operasyon militar ng mga rebelde ay upang bigyan daan ang paghatid ng mga ayuda sa mga napinsala ng lindol.
“Rest assured we will not do any harm to the military as long as they will not come to our areas,” ani Ka Oto.
Kaugnay nito, mahigit limang oras naghintay ang mga biktima ng lindol sa Surigao City, bago inabot sa kanila ang relief goods sa coliseum, dahil naantala ang pagdating ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang talumpati ay ikinatuwiran ng Pangulo, ang masamang lagay ng panahon kaya siya na-late ngunit ipinangako niyang bibigyan ang mga biktima ng tulong pinansiyal.
Ipinauubaya niya kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, ang pamamahagi ng ayuda ng gobyerno sa kanila.
Kahapon ang ikalawang araw na walang tubig na inomin ang mga residente ng Malimono, Mai-nit, San Francisco at Surigao City.
Umapela ng tulong si Communications Secretary Martin Andanar sa publiko na puwedeng ihatid ang mga donasyon sa mga biktima ng lindol, sa New Executive Bldg. sa Malacañang Complex, Radyo ng Bayan at PTV-4 sa Visayas Ave., Quezon City. (ROSE NOVENARIO)
DALAW NI DUTERTE
IKINASIYA
NG QUAKE VICTIMS
PERSONAL na namahagi ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Surigao City, si Pangulong Rodrigo Duterte.
Hinarap at nakihalubilo ang Pangulo sa mga biktima ng lindol, at taos pusong ipinaaabot ang kanyang kalungkutan sa nangyaring trahedya.
Sa kanyang talumpati ay nag-joke ang Pangulo, na sinuklian ng halakhak ng mga nakikinig na mga biktima ng lindol.
Pagbibigay-diin ng pangulo, nang malaman niya ang insidente, ninais niyang agad magtungo sa Surigao, ngunit hindi agad nakalapag ang helicopter sa lugar.
Siniguro ni Duterte, lahat ng mga biktima, at maging ang mga kamag-anak ng mga namatay ay bibigyan ng tulong ng pamahalaan.
7 DEATH TOLL
SA LINDOL
BUTUAN CITY – Umabot na sa pito katao ang patay, at mahigit 200 ang sugatan, makaraan yanigin ng magnitude 6.7 lindol ang Surigao City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng mga awtoridad ang lima sa pitong binawian ng buhay, na sina Lorenzo Deguino, 86; JM Ariar, 4; Wilson Lito, 35; Justina Roda, 83, at Grobert Eludo, 40-anyos.
Ayon kay Vice Mayor Alfonso Cassura, tinata-yang aabot sa P30-milyon ang danyos ng lindol sa Surigao City, 100 porsiyento ng mga residente sa kanilang lungsod ang a-pektado.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang “post damage assessment” sa mga napinsala ng naturang lindol.
PSYCHO-SOCIAL BRIEFING SA QUAKE
VICTIMS KAILA-NGAN – DOH
NAGPADALA ang Department of Health (DoH) ng psychiatrists, at psychologists sa Surigao del Norte.
Ayon kay Health Sec. Paulyn Jean Ubial, ang mga espesyalista ay magbibigay ng psycho-social briefing, sa mga residenteng biktima ng malakas na lindol sa lalawigan nitong Biyernes ng gabi.
Bukod dito, nagpadala na rin aniya ang DoH ng tents at karagdagan pang mga doktor.
Batay sa huling tala, pito katao ang kompirmadong patay, at mahigit 200 ang sugatan bunsod ng lindol.
90% NG POWER
SUPPLY NAIBALIK NA
BUTUAN CITY – Kinompirma ni Surigao del Norte Electric Cooperative (SURNECO) General Ma-nager Narciso Caliao Jr., 90 porsiyento ng lahat ng kanilang “area of coverage” ang naibalik na ang supply ng koryente, makaraan tamaan ng magnitude 6.7 lindol ang lugar.
Ayon kay Engr. Caliao, halos 90 porsiyento ng mga barangay sa Surigao City, ang may koryente na, malibang na lamang sa ilang mga barangay na kailangan ng “clearing” sa mga nasirang linya at transformer.
Pagtiyak ni Caliao, sisikapin ng kanilang linemen na maibalik sa normal ang linya ng koryente sa buong lungsod.
PRICE FREEZE
INIUTOS NG DTI
WALANG magiging paggalaw sa presyo ng mga bilihin sa Surigao City, kasunod nang malakas na pagyanig sa nasabing lungsod nitong Biyernes ng gabi.
Sa advisory ng Department of Trade and Industy, ipinaalala nito na epektibo ngayon ang price freeze sa mga bilihin, kasunod nang deklarasyon ng State of Calamity sa naturang lungsod.
Ang deklarasyon ng DTI ay pagsunod sa Republic Act 7581, o ang Price Act of the Philippines.
Ayon sa kagawaran, mananatili ang ipatutupad na price freeze, hanggang nakataas ang state of calamity sa lugar.
Ngunit hindi ito maaaring lumagpas ng 60 araw, habang ang presyo ng LPG, at kerosene ay hindi maaaring galawin ng hanggang sa 15 araw.
HATAW News Team